Siakolan sa London Tokpa!
Dinagsa ng mga Pinoy sa Inglatera ang rakrakang pinamagatang Pinoy Rocktober Fest sa London noong Oktubre kasama ang dalawa sa malulupit na banda galing dekada nobenta, Siakol at The Youth, ang mga nagpasikat sa natanyagang "tunog kalye". Binanatan nila ang musika na malapit sa puso ng masa katulad ng "Peksman", "Bakit Ba", "Multong Bakla", Mukhang Pera" at marami pang iba. Hindi naiwasan ang excitement sa ibang nanood at nagkaroon ng konting tulakan sa audience, kung saan naging referee ang gitarista ng The Youth na si Robert Javier habang nasa stage. "Ilang taon na kayo dito sa UK?", tanong nya sa crowd, "ang tatagal nyo na pala dito nag-aaway pa rin kayo!?".
Ilan lamang ang sinuwerteng-palad na bandang lokal ang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-rakrakan sa naturingang konsyerto ng taon sa North West London, Side Projects na tumugtog ng kanilang bagong sinulat na kanta "Tingala Kahit Wala" at ang Pinoy Metallica ng UK - Electric Warhead, ito ay ang mga mula sa Pinoy Musikero UK (PMUK).
Ang event na ito ay handog ng Below Zero Degrees.